Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Julia mahusay mang-akit, manglandi ng boylet

0 154

Kering-keri ni Julia Barretto ang role niya bilang babaeng nagbibigay ng aliw sa mga kalalakihan, sa pelikulang ‘Expensive Candy’ kasama si Carlo Aquino, at sa direksiyon ni Jason Paul Laxamana, para sa Viva Films.


Sa look test pa lang, puring-puri na ng mga netizen si Julia, na lumabas ang kalandian, at husay sa pang-aakit sa kalalakihan.

“Alam mo kung saan ako hahanapin. Alam mo rin ang presyo,” ang mga linyang dapat abangan kay Julia.

Feeling ng mga fan, pang-best actress ang role ni Julia sa movie. Na lalabas nga raw ang pagiging versatile actress niya.

Ang dami na ngang nag-aabang na makita si Julia na gumigiling-giling suot ang kapirasong tela, at lantad ang puwet, singit, at likod. May mga kumalat na ngang photo na kuha sa pelikula, na talagang game na game si Julia na pagkaguluhan, pagpantasyahan siya ng mga boylet.

Ang kinis, ang puti ng kilikili,

CocoJuls mag-asawa ang peg sa regalo kay Osang

Ang magdyowang Coco Martin, Julia Montes, ang agad-agad na nagpadala ng pagmamahal na may kasamang prutas kay Rosanna Roces, na ngayon nga ay positibo sa Covid.

Pinost nga ni Osang ang basket of fruits, pati na letter na pinadala sa kanya nina Coco, Julia.

“Ang sweet naman nina Coco at Julia,” sabi ni Osang.

At heto nga ang laman ng sulat nina Coco, Julia:

“Mommy O,

“Mommy Og get well soon and praying po kami sa fast recovery niyo! We love you!” – Coco & Julia.

Ang sweet nga, di ba? For sure, si Julia ang punong-abala sa pagpapadala ng prutas kay Osang. At katuwa naman, na talagang magkatuwang na sila sa maraming bagay.

Siyempre, hindi pa muna makakabalik sa taping ng ‘Ang Probinsyano’ si Osang. Kaya ang paglafang ng mga bet niyang pagkain ang pinagkakaabalahan niya.

“Dahil positive… hindi puwedeng magpabaya sa tulog at pagkain. Kainin mo lahat ng gusto mo. Ingatan lang ang mga taong maghahatid sa iyo. Naglaway ako sa kinilaw. Buti may stock na tuna ako sa bahay. Mamaya tinolang native na manok naman.  Para gumaling agad,” sabi niya.

Nakiusap sa mga basher: Robin pinagdasal kalusugan ni Kris

Nakiusap si Robin Padilla sa mga basher ni Kris Aquino na itigil na muna ang pagsasalita ng masakit sa aktres/TV host. May mga basher nga kasi na kahit lugmok na sa sakit si Kris, tila ikinatuwa pa nila `yon, at nilait-lait pa ito.

“Bismillah

“Mga mahal kong kababayan

“Ako po ay nag-aalala kay ms Kris Aquino bilang isang kaibigan, katrabaho at isang Pilipino.

“Nais ko po makiusap sa mga patuloy na bumabanat kay Ms. Aquino na magpaka-makatao muna po kayo.

“Hindi naman po tayo bulag para makita na may dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumaraan sa gamotan.

“Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang taong may karamdaman.

“Ano man po ang ating religion o ang ating political affiliations ay ipagpanalangin po natin ang kanyang kalusugan.

“In shaa Allah.”

Marami naman ang nakinig kay Robin, pero may iba pa rin na palaban at tuloy ang pagsasalita ng masakit kay Kris, na dinamay pa ang nanay niyang si former President Cory Aquino.

Kaloka!

Leave A Reply

Your email address will not be published.