Una sa Balita

Julia kinumpara kay Issa

0 351

Nagsanga-sanga na nga kuwento, at parami nang parami ang mga pangalang nadadawit sa hiwalayang JaDine. Hindi nga kasi kuntento ang mga fan sa sinabi ng dalawa na rason kung bakit sila naghiwalay.

Kanya-kanyang imbestigasyon ang mga fan. At doon nga lumutang ang video kung saan magkakasama sa party sina James Reid, Nadine Lustre, Issa Pressman, at iba pang barkada nila.

Sa video na lumabas, sinabing doon daw naganap ang pagtataksil ni James, kahit nasa paligid lang si Nadine.

Itinurong ‘ahas’ ngayon si Issa dahil sa nakitang video ng mga netizen. Na agad ding ipinagtanggol ni Yassi Pressman, na kasama nga ni Nadine kamakailan.

Dahil diyan, muling naungkat ang kontrobersiyal na isyu noong 2019, ang JoshLia (Joshua Garcia at Julia Barretto) break-up. Inihalintulad ang dalawang isyu.

Kumalat din sa social media ang litrato na magkasama sina Issa at Julia with caption na “nagsama ‘yung dalawang ahas”.

Kung ano-ano pang mga meme ang nagsilabasan, na tinawag silang ‘mang-aagaw’ umano ng dyowa ng iba.

Tagumpay sa pagpapa-trend ang mga netizen na kaladkarin ang pangalan ni Julia sa hiwalayang JaDine, pero hindi rin ito pinalagpas ng mga fan ni Julia at ipinagtanggol ang kanilang idolo.

Ipina-trend din ng mga fan ang #LeaveJuliaBarrettoAlone na nagtagumpay rin sa pag-angat sa Twitter trending list.

“Break up ng JaDine pero damay si Julia? Srsly people!!!! Can’t get enough of her?” depensa ng isang fan.

“i’m f*

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More