Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Julia kinabog ni Bea sa YouTube

0 134

Naunahan ni Bea Alonzo si Julia Barretto na maglabas ng work-out vlog sa YouTube. Kung tutuusin ay mas maangas si Julia kaysa kay Bea, dahil na-achieved ng una ang athletic figure, at kinaiinggitan nga ang abs niya.

Pero mas maagap si Bea kay Julia. Nagi-imbita na si Bea sa Instagram na panoorin ang isang buong taon niyang work-out journey.

Ipinakita sa video ang mga exercise na ginawa ni Bea. Ibinahagi niya na malaking timbang ang nawala sa kanya.

“The past year, I have gained 20lbs due to quarantine. I wasn’t keeping track of how I ate and barely worked out. This year, promised myself that i would lose all the extra pounds to look and feel my best. Not quiet there yet, but I’m working on it every day and trying to stay focused. I’m dropping a video tonight, to share my fitness journey, on my youtube channel at 7pm. Link in my bio!” sabi ni Bea. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.