Una sa Balita

Julia inalok ng kasal ni Coco

By
0 7,112

Maraming netizen ang naintriga sa singsing na nakasuot sa ring finger ng aktres na si Julia Montes sa post nito sa social media noong nakaraang January 5.

Sa Instagram post ni ­Julia, isang selfie ito pero mas ­napansin ng marami ang singsing na suot nito.

Maraming nanghula na baka galing ito sa rumored boyfriend na si Coco ­Martin at mukhang engagement ring ito. Heto ang ilang ­reaction ng netizens sa IG post ni Julia:

“If kwintas pwede pa cguro pero if singsing sis i guess di na daddy nagbigay.”

“Yan yata yung nakita ni Darla during ‘bag raid’ sa bag ni Jules. Nailagay ni Jules sa ilalim ng bag. ­Nakita ni Darla. Pinalabas nila relo pero sobrang liit kaya singsing.”

“Engage to someone special na si Juls.”

Ito na ngayon ang bagong kailangang sagutin ni Julia ­after ng naunang buntis issue sa kanya.
Maraming naghihintay kung totoo bang engaged na ito at kung si Coco nga ba ang nagbigay ng singsing.

Pero may mga chika rin na hiwalay na sila kamakailan, ‘di ba? Na kesyo hindi nakatulong ang pagpunta ni Coco sa abroad para kausapin si Julia, ­dahil ang aktres na talaga ang umayaw?
Pero sa panibagong kuwentong ito, ano nga ba ang totoo? Baka nga ang pag-alok ng kasal ni Coco kay Julia ang rason kung bakit siya nagpunta sa abroad?

Bongga, kaka-excite ­naman!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy