Una sa Balita

Julia humagulgol sa dibdib ni Joshua

0 1,594

Marami ang natuwa nang dumating si Joshua Garcia sa burol ni Mr. Miguel Barretto, lolo ng ex-girlfriend niyang si Julia Barretto, noong Thursday night sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Nang dumating daw si Joshua ay nagyakap sila ni Julia. Nakita rin daw na umiiyak si Julia habang kausap si Joshua.

Sabi ng isang naroon, “Close si Joshua sa lolo ni Julia. Favorite ng lolo ni Julia si Joshua.”

Natuwa rin daw ang mga naroon dahil bumati sa mga tao sa burol si Joshua.

“He’s so nice. Mabait na bata talaga si Joshua. Sana magkabalikan sila ni Julia,” sabi ng nakakita sa binata sa nasabing wake.

Nang dumating daw si Joshua sa burol ng lolo ni Julia ay tahimik na at tapos na ‘yung gulong namagitan sa magkapatid na Marjorie at Claudine.

Vice Ganda niregaluhan ng ‘fuds’ ni Mother Lily

Kasama namin ni Annabelle Rama na nag-lunch kahapon si Mother Lily at ilang mga kaibigan. Dumating din sa lunch ang kilalang line-producer na si Lea Calmerin.

Si Lea ang line-producer ng Metro Manila Film Festival 2019 movie nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Sabi ni Mother Lily, “fan” siya ni Vice.

“I like Vice, kasi he went to my birthday party kahit hindi naman talaga kami close. Fan niya ako, favorite ko siya. Noon, si Mang Dolphy ang favorite ko noong nabubuhay pa.

“Pero ngayon, gustong-gusto ko si Vice dahil sa kabaitan,” sabi niya at sinabihan si Lea na mag-order ng mga pagkaing ipapadala niya kay Vice.

Nilinaw ni Mother Lily na kaya niya pinadalhan ng pagkain si Vice ay dahil sa kabaitan nito sa kanya at hindi dahil kinukuha niya ito na gumawa ng pelikula sa Regal Films.

Alam naman ni Mother Lily na exclusive sa Viva Films at Star Cinema si Vice at kapag natutuwa naman siya sa isang tao ay ganoon siya ka-generous.

Annabelle nag-dinner sa Malacañang

Invited si Tita Annabelle sa isang dinner kagabi sa Malacañan Palace. Kasama niya ang mister na si Eddie Gutierrez sa dinner na ‘yon.

After ng dinner, pupunta raw siya sa burol ni Mr. Miguel Barretto. Nagpunta na si Bisaya sa nasabing burol noong Thursday night at kasama pa niya ang anak na si Ruffa Gutierrez at mga apong sina Lorin at Venice.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy