Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Julia handa sa putukan kay Cardo Dalisay

0 38

Handa na si Julia Montes na sumabak sa seryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” sa kahit na anong eksenang gagawin niya lalo na sa mga action scene.

Nagpamalas si Julia ng husay sa gun-firing na mapapanood sa Instagram.

Nakabalandra sa IG ng aktres ang training niya sa pagbaril gamit ang isang uri ng caliber gun.

Sa nasabing video, certified at walang kaduda-dudang sharp-shooter ang aktres.

Sa dalawang mintis nito, lahat ng small target panel o board ay napabagsak nito nang walang kahirap-hirap.

Nagbabala pa nga ito sa caption ng post.

“Never mess with the woman whose aim is better than her temper. #JMtips!” babala ni Julia.

Kung sakali palang magkatalo silang dalawa ng rumored-boyfriend niyang si Coco Martin, kakasa talaga ang husay ni Julia sa barilan.

Anyway, excited na ang mga nag-aabang sa tambalan ng dalawa sa serye.

***

Premyo wala pa: Vice Ganda siningil ng ‘Everybody Sing’ contestant

Naantala ba ang mga papremyo ng programa ni Vice Ganda na “Everybody Sing”?

Isang naging contestant at nanalo raw sa show ang nagrereklamo na hindi pa niya nakukuha ang kanyang napalunan sa show.

Sabi ni @mcharlina: “Hi po Meme Vice, magandang gabi po, tanong ko lang po, 1 month na po kasi nung nanalo ako sa show niyo po ‘Everybody Sing’ po. Wala pa po ‘yung price po. Salamat po. #EverybodySingBundok.”

Naisingit ang panawagan na ito ng dating kalahok sa tweet ni Vice na nag-iimbita sa kanyang mga fan na sumali sa bagong segment ng “It’s Showtime”.

“Talunin niyo ang mga celebrity players! Go Madlang People! Let’s play Madlang PiPOLL!!! #MadlangPipoLLympics,” tweet ni Vice.

Wala pang reply si Vice sa panawagan na ito ni @mcharlina o Charlina Maguikay.

***

Jake inalala kabaitan ni Manoling Morato

Lubhang nagluluksa si Jake Cuenca sa pagpanaw ng kanyang tiyuhin na si Manoling Morato. Si Manoling ay MTRCB Chairman noong dekada 90s at naging bahagi ng ilang ahensya sa mga nagdaang administrasyon.

Si Jake ay apo sa pamangkin ni Manoling.

Pinalipas muna ni Jake ang isang araw bago ito naghayag ng kanyang dalamhati sa pagpanaw ng nasabing tiyuhin nya.

“It’s been a rough couple of days for our family cause it came as such shock we really thought he would pull through like he always does. I’m sad to say that my Tio Manoling Morato passed away yesterday. I just want to say thank you my Tio Manoling for helping so many people, countless people through out the years including myself. I will hold on and never forget our last conversation together last Christmas. We love you Tio and we will miss you. Descansa en paz Tio Manoling,” sabi ni Jake.

Naging Darling of the Press si Manoling Morato noon.

***

Dahil sa alak: K Brosas nagmura sa ECQ

Umaapela si K Brosas sa kanyang tweet kaugnay sa posibleng liquor ban na ipatutupad ng LGU kaugnay sa GCQ at sa magaganap na ECQ (August 6) sa buong NCR, dulot ng pagtaas ng Covid-19 sa bansa.

Napamura si K sa tweet, sa yamot nitong mapagdadamutan na naman siyang makabili ng mga paborito niyang wine sa mga supermarket at grocery store.

“Ang sa akin lang naman ay…sana ‘wag mambigla ng liquor ban shutanginamez! Lol…cheers and tables!” sabi niya.

Pinayuhan si K ng kanyang mga follower na mag-hoard na ng alak sa bahay bago pa mag-lockdown.

Kilala si K sa social media na mahilig uminom ng wine. Dalawa ang bisyo ng komedyana, ang wine at mag-travel.

Leave A Reply

Your email address will not be published.