Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Julia, Gerald hiwalay sa Pasko

0 188

Magkahiwalay ngayong Pasko sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Kinumpirma ni Gerald na ang kanyang pamilya sa General Santos City ang makakapiling niya ngayong Pasko.

Since the pandemic, matagal daw hindi nakasama ng aktor ang kanyang nanay na baka-base sa GenSan.

“Uuwi ako sa GenSan. Pupuntahan ko ‘yung nanay ko. Magki-Christmas kami roon. Kasi medyo matagal ko na siyang hindi nakita dahil sa pandemic. And I think ito ‘yung perfect time para makauwi kasi maluwag na,” sey ni Gerald sa Showtime Online U.

Related Posts

At mukhang magtatagal ang bakasyon ni Gerald sa GenSan dahil tapos na ang lock-in taping niya sa Hello, Heart series kunsaan kasama niya ang singer na si Gigi de Lana.

“Katatapos lang namin i-shoot ‘yung ‘Hello Heart.’ So medyo relax, relax muna. Kakalabas ko lang ng lock-in taping namin, ng bubble namin which is shinoot po namin ito ng one month. So now medyo relax lang,” sey pa niya.

Ipapalabas ang Hello, Heart on iQiyi sa December 15 kaya masigasig si Gerald na mag-promote bago siya mag-Christmas vacation.

Huling napanood si Gerald sa ABS-CBN series na Init sa Magdamag na natapos noong September. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.