Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Julia, Gerald ginamit na pambuwisit kina Joshua, Kim

0 108

Sarap ulit-ulitin ng kulitan nina Kim Chiu, Joshua Garcia, at pati na ni Enchong Dee sa ASAP Natin ‘To nitong Linggo.

Ang bongga ng palitan ng tukso nila, at siyempre, gamit na gamit ang magdyowa na tago nang tago, na sina Gerald Anderson at Julia Barretto.

Sina Kim at Joshua ay parehong ‘ex-dyowa’ nina Gerald at Joshua.

Sa segment nga na magkakasama sila, biglang humirit si Kim na…

“Heto na talaga. We have been waiting for this moment live via Zoom Please welcome JU……. Just kidding!” biro ni Kim kay Joshua.

Oh, di ba? Parang gustong palabasin ni Kim na biglang lalabas si Julia sa harap nila noong mga oras na `yon. At siyempre, hindi rin nagpakabog si Joshua kay Kim, kasabwat pa si Enchong, na hirit naman nga nila…

“Akala mo siya lang may surprise meron din tayo…

“Please welcome Mr. GE…. Just kidding!” sabi nga nina Enchong at Joshua, na ang gusto namang tawagin kunyari ay si Gerald.

Kaloka, di ba? Pero, ang ganda lang, na nagagawa nilang gamitin sa mga ‘joke’ nila ang magdyowa.

“Happy ka joshua? Pag happy ka doon, ok ako doon,” saad ulit ni Kim.

“Joke lang! Joke lang!” patawa-tawang sabi naman ni Joshua.

Eh, hindi yata kinaya ni Enchong ang eksena, kaya sabi lang niya na patawa-tawa lang…

“Parang ang init dito sa stage. Ang init dito sa studio!” at nagtawanan na nga silang lahat.

Well… (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.