Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Julia gaya-gaya kay Liza

0 237

July 4, 2020 nang i-post ni Liza Soberano ang mga photo niya na nakasuot ng green sweatshirt, naka-maong pants, at short hair pa siya noon.

Actually ang tungkol sa kanyang healthy hair ang ibinida ni Liza sa mga photo niyang `yon, at hindi tungkol sa suot niya.

Humamig nang mahigit isang milyon ang nag-like sa mga photo na `yon, at ang komento naman ay umabot sa kulang-kulang 8,500, na halos lahat ay pinupuri ang ganda niya.

At makalipas ang anim na buwan, heto nga at tila ginaya ni Julia Barretto ang eksenang `yon ni Liza. Parehong-pareho ang dating ng mga photo nila, na short hair din si Julia, at pareho ng kulay ang suot nila, pati na ng pantalon na maong.

Pero hindi ang buhok ang sentro ng post na `yon ni Julia kundi ang ini-endorse niyang clothing line.

Pero ‘yun na nga, marami ang nakapansin na bagamat hindi sinasadya, mukhang ginaya talaga ni Julia si Liza, ha! Pero siyempre, dahil pareho silang maganda, kaya okey lang.

Anyway, para sa mga fan, parehong bagay kina Liza at Julia ang short hair, at parehong lumutang ang mga ganda nila. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.