Una sa Balita

Julia ‘di type ni Mommy Vangie

0 479

Kung ayaw ng Mommy ni Gerald Anderson kay Bea Alonzo, nagpahiwatig na rin ito na hindi pabor­ sa relasyong Gerald at Julia Barretto. Pero may ­pasubali ito na hindi naman daw sa ayaw niya kay Julia­, pero, tinitingnan niya na bata masyado si Julia kay Gerald­ and since pareho silang nasa industriya, alam daw niyang hindi rin magtatagal.

Mensahe nga niya kay Julia, “Hindi ko nga sinasabi na ayaw kita ‘no, ang akin lang, advice ko lang sa ‘yo please, ayaw ko kasi may edad na rin si Gerald­ sa‘yo. Hindi rin kayo magtagal dahil alam ko nasa industriya.”

Sa isang banda, habang tumatagal ang isyu sa pagitan ng tatlo at may mga nabuo ng Team Bea o may Team Julia rin, may magkakaibang version talaga.

Ilan sa nakausap namin ang nagsasabing talaga raw matagal nang nakikipag-break si Gerald kay Bea, pero talagang ayaw niya itong i-give-up. Pero katwiran naman ng iba, kung totoong may something na sina Gerald at Julia ginagawa pa lang nila ang movie na pinagsamahan nila, sana raw ay hinayaan muna nito na malinaw na ngang break ang dalawa para hindi siya naparatangan na tume-third party.

Still, tanging sina Gerald, Bea at Julia lang ang totoong nakakaalam ng triangle nilang tatlo. (Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy