Una sa Balita

Julia Barretto type ni Bidaman Jin Macapagal

0 618

Rico Yan, Claudine style:

Ni Rose Garcia

Ang “Bidaman” winner na si Jin Macapagal ang gumaganap na Crisostomo Ibarra sa pelikulang “Damaso”.

First movie ito ni Jin at masasabing bida o isa sa pinaka-importanteng karakter sa libro na Noli Me Tangere to which, the musical/drama/historical movie was based.

Naaliw kami nang sabihin niya na, “Sana po pala nakinig akong mabuti sa teacher ko noong high school. Pero memorable po ang first movie ko and thankful po ako na pinagkatiwala sa akin ang role ni Ibarra.

“Karamihan po ng kasama ko, mga veteran actors and actress and lahat naman po sila, inalalayan din po ako.”

Ang leading lady ni Jin sa movie at gumanap na Maria Clara ay ang popular YouTuber at dating miyembro ng GirlTrends na si Riva Quenery.

Tinanong din namin si Jin kung totoong nagkakaroon ng tension sa grupo nila ng Bidaman at ng grupong Hashtags sa “It’s Showtime”. Sabi naman niya, “Hindi po totoo. Siguro po ganu’n ‘yung tingin ng iba, pero inside po, wala po. Actually, napaka-welcoming pa nga po nila sa amin.”

In fairness, nagulat kami kay Jin na buong ningning na umamin na may girlfriend siya. Usually, ‘yung mga baguhan, ipapa-deny pa ang totoong status ng love life.

Seven years na sila ng college girlfriend. At going stronger raw sila dahil supportive naman ito sa showbiz career niya.

In fact, mula sa Cebu ay pumunta ito ng Manila para lang manood ng premiere night ng “Damaso”.

Ang “Damaso” ay mapapanood na simula November 20, sa direksyon ni Joven Tan under Regis Films and Reality Entertainment.

Siyanga pala, kung mabibigyan ng chance, type rin ni Jin na si Julia Barretto ang maka-partner niya. Sabi raw kasi, para silang Rico Yan at Claudine Barretto.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy