Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Julia Barretto hindi buntis – Star Magic

0 208

Sunud-sunod ang mga makukulit na tanong ng mga netizen sa Instagram wall ni Julia Barretto kung ‘buntis’ ba ito! Kasi nga, biglang-bigla ay naglabas ng istorya si Mr. Jay Sonza na diumano ay napuruhan nga si Julia at si Gerald Anderson ang ama.

Heto nga ang ilang bahagi ng mensahe sa kanyang Facebook:

“After a months of love lockdown and ESQ (exact sex quadrant) – may nabuo sa sinapupunan ni Julia.

“Happy Monday po. Makikibalita ako kung kailan ang kasal sa aking neighbor!”

Siyempre, naalarma ang mga fan nina Julia at Gerald. Kaya sunud-sunod na tanong ang pinakawalan nila.

castronoelyn: “are you real pregnant?”

mynemjuzlee4ever: “i am asking also.”

mjyambot84: “same question.”

bamie10: “She’s not. She’s busy may teleserye po siya which she will be taping na this week, lock in taping po un.”

wenadsma: “Its according to Mr. Jay Sonza She’s pregnant! Congrats Julia!!”

@wenadsma • Instagram photos and videos
61 Followers, 160 Following, 2 Posts – See Instagram photos and videos from @wenadsma

Anyway, habang sinusulat ito ay wala ni isa sa kanila ang sinagot ni Julia.

At sa Instagram naman ni Marjorie Barretto ay wala ring reaksiyon tungkol dito. Mas bet nitong i-post ang mga niluluto niya.

Sa Instagram naman ni Gerald, wala ka ring makikita, at tungkol pa rin sa negosyo niya ang focus niya.

Pero sa latest post ni Marjorie ng photo ni Julia, wala kang mababanaag na may umbok ang tiyan nito.

At sa huling IG story naman ni Julia na makikita ang buong katawan niya, may karga siyang bata, kaya hindi mo masisilip ang kanyang tiyan.

Pero, reaksiyon ni Thess Gubi, ang publicist ng Star Magic, na kung saan ay talent nga si Julia.

“Nakakatawa naman `yon. Katawa siya,” sey nito, patungkol kay Mr. Sonza.

“Definitely not true!” giit pa ni Thess, na may pahintulot nga ng kanyang boss na si Mr. Johnny Manahan, na linawin agad-agad ang tsismis na ito.

Siyanga pala, naianunsiyo na kamakailan na magti-taping na sina Julia, kasama si Loisa Andalio, Tony Labrusca, Marco Gumabao, Ronnie Alonte, Barbie Imperial, Heaven Peralejo, ng Cara Y Cruz, na ipalalabas sa Kapamilya Channel (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.