Una sa Balita

Julia bagay maging ‘Baliw’

0 390

Marami ang napaiyak at napahanga ni Julia Barretto sa kanyang pagganap bilang isang dalagang may bipolar disorder sa “MMK” episode noong Sabado (Nobyembre 30).

Delicate at insightful ang topic ng episode ni Julia, na sigurado namang nakatulong sa paglaganap ng mental health and suicide awareness. Sa nasabing episode, binigyang-linaw ang stigma ng BPD na sinasabing gawa-gawa lamang ito sa pagpapakita kung paano ang takbo ng utak ng isang dalagang may bipolar disorder at kung ano-ano ang mga reaksyon at aksyon nito—tulad ng paglilinis kahit hindi kailangan, biglaan at matagalang pagiging malungkot, at pati na rin ang paglalaslas o self-harm.

Nadala ang mga manonood sa mabibigat na mga tagpo, lalo na sa mga manic at depressive episodes ng karakter ni Julia na si Ayie. Marami rin ang nagpahayag na sila mismo ay nakaka-relate sa portrayal ng aktres at hanga sila sa galing nito sa pag-arte kahit tila napakagulo ng kanyang personal life.

“Sensitive and interesting topic. I hope this episode will bring awareness na hindi gawa-gawa lang ang mental illness. No doubt Julia is a good actress, galing niya dito sa trailer pa lang,” payahag ni Gel BG sa YouTube.

“Ito yung masasabi mong actress talaga with or without loveteam. Mapa-sosyal, kontrabida, mahirap na palaban, comedy and heavy drama. That’s why people want to see her down kasi she’s a threat. Kaya laban lang Julia. The more they hate you the more you will shine,” komento naman ng YouTube user na si Amxon Cote.

“Depression has no face, be kind and be sensitive sa feelings ng iba. Grabe tung episode na ito. Julia and all the cast galing niyo, walang tapon,” ang papuri naman ng YouTube user na si J G.

Susunod na mapapanood si Julia sa Dreamscape Entertainment at iWant project nito na “I AM U” kasama si Tony Labrusca.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy