Una sa Balita

Julia aminadong walang boobs kaya hindi nagba-bra

By
0 1,664

Nakakatuwa ‘yung ‘bra’ at ‘computer games’ conversation nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa isang episode ng “Tonight With Boy Abunda” para sa nalalapit na pagtatapos ng teleserye nilang “Ngayon at Kailanman” sa ABS-CBN.

Ang isa sa pinag-usapan ay kung ano ang dahilan ng kanilang selosan. Unang nagsalita si Josh saying na minsan ay hindi siya kumportable sa suot ni Julia dahil hindi ito mahilig magsuot ng bra.

Ang depensa naman ni Julia ay dahil wala naman daw masasalo ang bra kapag nagsuot siya, so, bakit pa nga ba? Which means, hindi nga siya ‘endowed’ pagdating sa parte na ‘yan.

Tapos, balik sa kanya ni Josh, ‘Suggest ko, na magsuot ka kahit baby bra,” sabay lambing sa kanyang Baba.

Siyempre, sagot ulit si Julia na kahit nga raw baby bra ay wala pa ring masasalo sa kanya. So, hindi kailangan.

Nakakatuwa talaga ang paliwanag ng Kapamilya actress na may touched of katotohanan, huh! But in some cases, nagba-bra naman daw siya.

Sa parte naman ni Josh, ano ­naman ang pinagseselosan niya?

Sabi ng dalaga ni Marjorie Barretto, ang sobrang pagko-computer games nito na inaabot na ng madaling-araw. Kaya ­kahit nakailang tawag o text na siya, ang tagal nitong sumagot. ­Minsan, after two hours pa.

Depensa rin naman ng Kapamil­ya actor, “Kasi nu’ng bata pa ako, gustong-gusto ko talaga magkaroon ng computer.

“Kaya nang nakabili na ako, ‘yun na ang ginawa kong libangan.”

Dagdag pa niya, “At least, hindi ko nakahiligan ang tumambay o ­gumimik-gimik. Bahay lang talaga.

“Ano gusto mo, nasa labas o nagko-computer?” or words to this ­effect.

Na-realize naman ng kanyang dyowa na mas okey ngang nasa bahay lang ito, kasya nasa bar o gimik.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy