Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jules, Heather bibira sa PLDT

0 176

NAGPALAKAS pa ang PLDT High Speed Hitters sa darating na 2021 Premier Volleyball League Open Conference sa susunod na buwan sa pagkuha kina stalwart Jules Samonte at Heather Guino-o.

Inanunsiyo ng High Speed Hitters nitong Miyerkoles ang dalawa sa kanilang bagong ‘armas’ na makakasama sina team mainstay Rhea Dimaculangan, Chin Basas, Eli Soyud at Iza Viray.

Magugunita na huling humampas sina Samonte at Guino-o kasama ang Perlas Spikers na liliban ngayong PVL season, humambalos rin ang dalawang volleybelle sa nagdaang Beach Volleyball Republic on Tour sa Santa Ana, Cagayan.

Bukod kina Samonte at Guino-o, bagong manlalaro rin para sa PLDT sina Kath Arado, Jessey De Leon, Mean Mendrez, Jovie Prado, Dell Palomata, Fiola Ceballos, Wendy Semana at Lhara Clavano. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.