Una sa Balita

Juico, Laurel bisita sa PSA Forum

0 221

SENTRO ng talakayan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes sa Amelie Hotel-Manila ang papalapit na 2019 Philippine SuperLiga Invitational.

Mangunguna sa 10am session handog ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sina PSL chairman Philip Ella Juico at president Doc Ian Laurel kasama pa ang mga coach, team manager at player ng walong competing teams.

Maglalaban-laban para sa final conference ng liga ang mga koponan ng Petron, F2 Logistics, PLDT, Foton, Marinerang Pilipina, Generika-Ayala, Cignal at Sta. Lucia.

Mapapanood ang session sa PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation livestream na eere rin sa delayed basis ng Radyo Pilipinas 2 mula 1-2pm at 6:30pm. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy