Juico: Grand Prix tigil na

0 386

PORMAL nang kinansela ng Philippine Superliga (PSL) ang Grand Prix Conference dahil na rin sa desisyon ni President Rodrigo Duterte na Enhanced Community Quarantine sa Luzon dahil sa coronavirus pandemic.

Ito ang ibinahagi ni PSL chairman Philip Ella Juico kung saan kinailangan nang ikansela ang import-laced conference para sa kaligtasan at kalusugan ng mga atleta, coach, official at iba pang stakeholder.

Hinihikayat rin ni Juico ang mga local at foreign player na umuwi sa kanilang mga tahanan at makasama ang kanilang mga mahal sa buhay sa panahon ng krisis.

Ayon pa sa kanya, patuloy ang kanilang pagmomonitor at pag-assess sa sitwasyon para sa pagbabalik ng Grand Prix sa ibang petsa o sa sandali na pormal na bubuksan ang window ng international transfer sa Oktubre.

“We are putting the welfare of our fans and players above anything else,” sambit ni Juico, sport executive at presidente ng Philippine Amateur Track and Field Association.

Ibinahagi rin ni PSL president Ian Laurel na hindi naging madali ang desisyon na ikansela ang Grand Prix.

“We needed to evaluate the situation and came up with this tough decision,” saad ni Laurel na idinitalye rin na magkakaroon sila ng “special team owners meeting” sa oras na umayos ang sitwasyon upang talakayin ang resumption ng centerpiece conference sa pagtatapos ng season.

“But we will be back with a bang when all of these are over.” (JAT)

Abante – Wendys Inhouse Ad
Comments
Loading...