Una sa Balita

Jueteng talamak pa rin sa Pangasinan

0 331

SA kabila ng mahigpit na kautusan ni Pangasinan ­Provincial Police Office (PPPO) provincial director P/Col. Redrico Maranan na buwagin ang lahat ng klase ng iligal na sugal, karamihan ng mga bayan at ­siyudad ng nasabing lalawigan ang hindi tumutupad dito.

Ayon sa isang opisyal ng PPPO, na humiling na hindi ipakilala, nag-utos ang Police Regional Office-1 (­PRO-­1) sa pamumuno ni P/Brig. Gen. Joel S. Orduña, na supilin ang lahat ng klase ng iligal na sugal sa Region 1 kasama ang Pangasinan.

Sinabi ng opisyal, kasunod nito, ipinag-utos ni ­Maranan sa lahat ng kanyang chief-of-police sa 44 na munisipalidad at apat na siyudad sa nasabing lalawigan na buwagin ang anumang iligal na sugal.

“Despite the order, karamihan sa mga bayan at ­siyudad sa Pangasinan ay hindi tumuputad dito, patuloy pa rin ang mga iligal na activity nila lalo ang jueteng,” ani ng opisyal sa telephone interview ng Abante.

Kabilang sa mga sugal na pinagbabawal ng mga ­awtoridad ang jueteng, tupada, cara y cruz, sakla, ­pusoy, tong-its, color game, madjong, fruit game, ­bingo, bookies, EZ2 at video karerra.

“Relieved agad sa sinong chief-of-police na hindi tumupad sa kautusan,” ani Maranan. “No hold barred tayo pagdating sa mga iligal na sugal.”
Ipinagbawal rin ang pagsusugal sa lahat ng ­lamayan sa buong rehiyon. (Allan Bergonia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More