Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Judge sibak sa annulment for sale

0 148

Bumoto “unanimously” ang lahat ng mahistrado ng Supreme Court (SC) para sa dismissal ng isang hukom mula sa Ilocos Region kaugnay sa kuwestiyonableng desisyon sa isang kaso ng annulment.

Sa per curiam decision na inilabas ng SC noong Setyembre 1, 2020 pero ngayon lamang isinapubliko ay napatunayan na si Judge Raphiel F. Alzate, acting Presiding Judge ng Cabugao, Ilocos Sur Regional Trial Court, Branch 24, at Bucay, Abra RTC, Branch 58 ay guilty sa kasong gross ignorance of the law at gross misconduct.

Sanhi nito binawi ng SC ang lahat ng kanyang benepisyo maliban sa naipon niyang leave at habambuhay na rin siyang diskwalipikado sa lahat ng public office.

Iniutos rin ng SC sa Office of the Bar Confidant na imbestigahan si Atty. Ma. Saniata Liwliwa G. Alzate, asawa ni Judge Alzate na isang law practitioner sa Abra dahil sa kanyang partisipasyon sa kuwestiyonableng desisyon sa annulment of marriage na inisyu ni Judge Alzate.

Nabatid na isa ang integridad sakop ng 10-Point Program ni Chief Justice Diosdado M. Peralta na lilinisin ang hudikatura.

Nag ugat ang pagkakasibak kay Alzate matapos ang report na natanggap ng Office of the Court Administrator (OCA) na nagsagawa ng judicial audit sa Cabugao, Ilocos Sur RTC.

Nalaman na nakumpirma ng OCA audit team ang ulat na si Judge Alzate ay nag- isyu ng desisyon sa isang kaso ng nullity of marriage kapalit ng financial considerations kung saan binalewala nito ang rules of procedures sa deklarasyon ng nullity of marriage.

Nalaman rin ng OCA na ang mga partido sa kaso ay hindi residente ng hurisdiksyon ni Alzate at iba pang natuklasang pagkakamali ni Alzate.(Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.