Una sa Balita

Judge nagdesisyon sa kaso ng mister, sibak

0 462

TINANGGAL sa tungkulin ng Supreme Court (SC), ang isang hukom na hindi nag-inhibit at nagdesisyon sa kasong kinasangkutan ng kanyang asawa noong 2009.

Sa 16 pahinang per curiam decision, tinanggal ng SC ang mga retirement benefit ni Judge Analie Aldea-Arocena ng San Jose City, Nueva Ecija Municipal Trial Court in the Cities (MTCC), maliban sa kanyang naipon na leave credit at hindi na rin siya maa­ring makapaglingkod sa anuman pampublikong tanggapan.

Pinagmulta rin ng SC ang hukom ng P30,000 dahil sa paglabag sa Section 1 Rule 137 of the Rules of Court.

Nag-ugat ang pag-iimbestiga laban kay Arocena matapos ang isang anonymous complaint na isinampa sa Office of Deputy Court Administrator Lenny Lind R. Aldecoa-Delorino noong Hulyo 3, 2014.

Sa reklamo, nabatid na dinesisyunan umano ng hukom ang kaso ng kanyang mister na si Ferdinand na miyembro ng Board of Directors ng isang kooperatiba na nakabinbin sa kanyang sala ang kaso.

Nalaman na minaltrato umano ng hukom ang mga defendant at nagawa pang makapag-abroad ng asawa nito noong Marso 2009 kahit hindi kumuha ng travel authority sa korte.

“In order to avoid a negative public perception, the right thing to do for a judge is to recuse from the case. However, Judge Arocena failed to do so in disregard of the canons on impartiality and propriety of the 2004 New Code on Judiciary Conduct,” ayon sa SC.

Hindi umano nag-inhibit ang hukom sa kaso na naging daan para aprubahan ang unconscionable compromise agreements na pumabor sa kooperatiba kung saan miyembro ng board of directors ang kanyang mister.

Iginiit na nakagawa ang Hukom ng gross ignorance of the law and abuse of authority. ­(Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More