Una sa Balita

Judge nagbitiw sa Atio case

By
0 1,874

NAGPASYA ang hukom na pagbigyan ang kahilingan ng ilang aku­sado na magbitiw siya sa paghawak ng kaso ng University of Santo Tomas (UST) freshman law student na si Horacio Tomas ‘Atio’ Castillo III na namatay sa hazing ng ­Aegis Juris fraternity.

Sa pitong pahinang re­solusyon na inilabas ng Manila Regional Trial Court Branch 40 na may petsang Marso 23, 2018, pinaboran ni Presiding Judge Alfredo Ampuan ang kahilingan ng dalawang miyembro ng Aegis Juris na sina John Robin Ramos at Jose Miguel Salamat, na mag-inhibit siya sa kaso.

Iniutos rin ni Ampuan ang agarang pagbibigay sa Office of the Clerk of Court sa lahat ng record ng kaso para sa nakatakdang pag­ra-raffle sa bagong hukom na didinig dito.

Gayunman, sinabi ni Ampuan na hindi siya sang-ayon sa mga ipinunto ng dalawang miyembro ng Aegis Juris na nagkaroon umano ng iregularidad sa procedure, tulad ng pagpapatuloy ng pagdinig sa kabila ng kawalan ng public prosecutor.

“It must be noted that mere imputations of bias or partiality is not enough ground for inhibition. Extrinsic
evidence must be presented to establish bias, bad faith, malice or corrupt purpose, in addition to palpable error which may be inferred from the decision or order. The Presiding Judge indeed sees no reason for him to inhibit from the case,” ayon kay Ampuan.

Sa inihaing petisyon nina Ramos at Salamat, na kabilang sa 10 miyembro ng Aegis Juris na kinasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Law dahil sa pagkamatay ni Castillo, inihayag ng mga ito ang paniwala na hindi sila makakakuha ng patas na desisyon mula kay Ampuan dahil bayaw ito ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) founding Chairman Dante Jimenez, na isa sa mga sumusuporta sa pamilya Castillo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More