Una sa Balita

Judge na nagpalabas kay Ampatuan, markado kay Digong – Roque

By
0 2,911

HINDI ikinatuwa ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang pagpayag ng korte na makadalo sa kasal ng anak ang isa sa mga mga pangunahing akusado sa Maguindanao massacre case na si Zaldy Ampatuan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kontra ang Pa­ngulo sa mosyon ni Ampatuan subalit lalong nadismaya ito nang ma­lamang pinagbigyan ang kahilingan ng akusado.

Pero tiniyak ni Roque na walang magiging implikasyon sa kaso ni Ampatuan ang pansamantalang paglabas nito sa kulungan.

“I don’t think there’s an implication. Officially the panel of the prosecutors and the President joins them, opposed that motion. And were dismayed that it was gran­ted. That’s the official stand,” ani Roque.

Pinawi ni Roque ang agam-agam ng pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre sa posibilidad na makalu­sot si Ampatuan dahil ang mga kinuhang ninong sa kasal ng anak ay mga bigating opisyal ng pamahalaan.

Kabilang sa napakaraming principal sponsors sa kasal ng anak ni Ampatuan ay sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Special Assistant to the President Bong Go, Presi­dential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza , Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at ilan pang matataas na opis­yal ng gobyerno.

Sinabi ni Roque na kahit sino pa mang maimpluwensiyang mga tao ang nag-ninong sa kasal ay walang koneksiyon ito sa kinakaharap na kaso ni Ampatuan.

“I can assure you this will not affect the case, and I think you know why I can give that assurance,”dagdag pa ni Roque.

Hindi binanggit ni Roque kung anong korte ang nagbigay ng basbas para pansamantalang makalabas si Ampatuan.