Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Juday sumakit katawan sa ‘bugbog’ ni Ryan

0 190

Pinagod, pinasakit nang husto ni Ryan Agoncillo ang katawan ng misis niyang si Judy Ann Santos isang umaga. Binugbog ni Ryan nang husto ang buong katawan ng misis niya sa naganap sa kanila nitong Linggo.

Pero nakangiti naman sa kaligayahan si Juday na hindi inalintana ang naramdamang sakit sa katawan.

Ganiyan nga ang deskripsyon ni Juday sa Instagram post niya ng larawan nila ni Ryan.

Bago pa mag-isip ng kung anu-ano ang iba, nanakit ang buong katawan ni Juday dahil sa kakaibang adventure na naranasan nito sa sinabing niyang parents day off.

Kasama ang mag-asawang Susie Entrata at Paolo Abrenica, sumabak sa ATV at Buggy race track adventure si Juday, sa KDR Camp adventure sa Orani, Bataan.

Mapapanood sa video na pinoste ni Juday ang pagmamaneho niya ng buggy vehicle. Tinodo ni Juday ang pagpapatakbo sa sasakyan na animo ay isang tunay na race driver.

Sumalang din si Juday sa iba’t ibang recreational adventure sa nasabing lugar. Sey nga ni Juday sa caption, bumalik siya sa kanyang 20’s sa tindi ng mga ginawa niya nitong weekend.

Nagpahayag si Juday nang pagnanais na bumalik para kumarera uli sa race track at gawin ang mga mapanakit-laman na mga activity sa nasabing camp adventure.

Anne tutok sa pag-aalaga kay Dahlia

Isang compilation video ng mga moment ni Dahlia Amelié ang pinoste ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff sa Instagram account ng bata, para sa 1st birthday nito.

Dito na nga sa Pilipinas nag-birthday si Dahlia, matapos manirahan ng ilang buwan sa Australia. Mapapanood sa video ang mga growing at development stage ni Dahlia mula nang isilang, gumapang at tumayo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Mapapanood sa video na higit pa sa 100 percent ang atensyon at oras na ibinigay nina Erwan at Anne sa paga-alaga sa kanilang anak.

Nasa video rin ang mommy ni Anne na si Carmen na minsan ay karga-karga ang apo at madalas nilalaro ang bata.

Walang ibang tao na mapapanood sa video bukod sa mga nabanggit, kaya masasabing hands-on sina Anne at Erwan sa halinhinang paga-alaga sa kanilang anak.

Malaking bagay na sa Australia inabutan ng lockdown ang mag-asawa , para ma-exercise nila ang pagiging first time parents sa anak.

Barbie palpak sa prank kay Tony

Pumalpak si Barbie Imperial sa dapat sana ay malinis na magic trick nito kay Tony Labrusca. Sumalang sa prank si Tony kay Barbie.

Pinoste ni Tony ang video kung saan mapapanood na binibigyan ng instruction ni Barbie si Tony sa magic trick na gagawin niya. Ipinakita muna ni Barbie kay Tony, sa isa pang kasamang aktor, ang pagdikit ng coin sa noo nito at sinabing dapat hindi ito mahulog.

Habang kunwaring idinidikit na ni Barbie ang coin sa noo, ipinasa niya ito ng palihim sa kamay ng co-actor niya, at naramdaman ni Tony na wala namang coin na hawak si Barbie, kaya wala talagang coin sa noo ni Tony.

Matapos ang seremonya, ipinagpagpag ni Tony ang ulo para alamin kung malaglag ang coin. Nang magsawa, kinapa ni Tony at noo. Mabilis namang tinanggal ni Barbie ang kamay ni Tony.

Pero huli na dahil nabuko niyang ginudtaym siya ni Barbie. Panay ang paliwanag ni Barbie, pero pumalpak na ang prank nito dahil nasalat nga ni Tony na walang coin sa kanyang noo.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.