Una sa Balita

Juday, Raymart ‘refreshing’ ang tandem

By
0 329

Napa-throwback si Judy Ann Santos dahil sa ginagawa niyang comeback teleserye, ang ‘Starla’ ng ABS-CBN. Ang isa raw kasi sa location niya ay sa Boso-Boso kunsaan, madalas niyang location noong araw kabilang na ang soap-opera niyang ‘Esperanza’.

Pero dito na-realized ni Juday na kaya raw siguro noon, mas close at mas nagkakausap at nagkakakuwentuhan ang mga artista at staff dahil walang signal, wala pang mga social media.

“Ang lakas maka-walang signal. Me­ron pa rin palang lugar sa Pilipinas na walang signal, na hindi mo kailangang sumakay ng eroplano. Hahaha! Walang signal, dalawang oras mula sa Maynila, wala ng signal.

“Pero alam niyo, naiisip nga namin, okey rin na walang signal. Yung mga cast, nakakapag-usap, nakakapagkuwentuhan. Napipilitang mag-chikahan kasi hindi nakatungo sa cellphone nila.

“Ganoon kami nagkaroon ng magandang bonding sa Esperanza noon. Kung walang signal, dedma, walang pakialam. Kaya sobrang close ng Esperanza noon kasi we talked a lot.”

Kasama rin daw niya ngayon sa Starla ang actor na si Joel Torre at napapa-reminisce nga raw sila. Iba-ibang faces nga lang daw ngayon at pati camera, iba na.

Leading man niya sa Starla si Raymart Santiago. Pangalawang team-up na nila ito dahil ang una ay sa pelikulang ‘Aishete Imasu’. Natawa si Juday nang tanungin kung okey sa kanya na si Raymart ang leading man niya.

“Oo naman, bakit naman hindi?” mabilis niyang sagot.

“At saka, feeling ko, napaka-refreshing ng tandem.”

Aminadong medyo nanibago lang daw siya sa pagbabalik-taping dahil nga sa out-of-town, maaga na naman siyang gumigising.