Una sa Balita

Juday-Piolo sa Regal malabo

0 454

Happy Chinese New Year!

Today nga ang start ng Year of the Rat!

Kagabi, nagkaroon ng Chinese New Year eve event si Mother Lily Monteverde sa 38 Events Place na pag-aari niya sa Valencia St., Quezon City.

Kasabay rin ng event na ‘yon ang belated birthday party ng anak niyang si Dondon Monteverde. Birthday ni Dondon noong Thursday.

The other day, pinapunta ako ni Mother Lily sa lugar na ‘yon para makipagtsikahan.

Excited si Mother Lily sa pagkukuwento ng tungkol sa naging meeting nila ni Judy Ann Santos na gaganap bilang siya sa kanyang epic bio-film.

Sisimulan na ang paggawa ang script ng nasabing pelikula at excited daw si Juday sa pelikula na pamamahalaan ni Direk Erik Matti.

So, may leading man na ba?

“Wala pa. Kailangan muna ‘yung script, para malaman kung gaano kalaki ang role for the leading man,” sabi ni Mother Lily.

“Mother, maraming mga fan na nagre-request, sana ‘yung epic bio-film mo na raw ang maging reunion movie nina Juday at Piolo (Pascual),” sabi ko naman na sinagot niya ng, “Talaga, may mga gusto? We’ll see. But as of now, wala pa.”

Pero siyempre, ‘yung epic bio-film nga ni Mother Lily, babae talaga ang bidang-bida, kaya baka malabong ‘yon ang maging reunion movie nina Juday at Piolo.

Napunta naman ang topic ng usapan namin sa “D’Ninang” movie ni Ai Ai delas Alas at opening salvo ng Regal Entertainment, Inc. for 2020.

“Ok ‘yung movie. Happy ako,” sey ni Mother Lily.

So, at least, happy naman pala si Mother Lily sa gross ng “D’Ninang” dahil masipag ding manood at magpa-block screenings ang mga fan nina Kisses Delavin at McCoy de Leon.

Martin bilib sa tapang ng JaDine

Sa live guesting ni Martin Nievera sa “Tonight with Boy Abunda” noong Thursday night ay natanong ang Concert King sa hiwalayang James Reid-Nadine Lustre.

Siyempre, naghiwalay rin kasi noong araw si Martin at si Pops Fernandez, pero at first, inilihim pa ‘yon at hindi nila ganoon kadaling naamin in public.

Sabi ni Martin, bilib siya sa JaDine dahil naamin nga ng mga ito ang tungkol doon.

Noong panahon daw kasi nila, hindi ganoon kadaling umamin.

Samantala, ‘yung pagiging ok nila ni Pops at pagiging friends talaga, ang credit ay ibinibigay niya sa kanyang ex-wife dahil kahit nga naghiwalay silang dalawa, never daw siyang siniraan sa mga anak nilang sina Robin at Ram Nievera.

Nabanggit din ni Martin na ‘yung pagsasama-sama nila noong Christmas eve at paghahanda ng isa pa niyang ex na si Katrina Ojeda ay awkward para sa kanya, pero tanggap niya ang pagiging “modern family” nila.

Even before that event naman, nag-uusap na talaga sina Pops at Katrina dahil si Pops naman, sobrang love si Santino na anak nga ni Martin kay Katrina.

May mga fan nga pala ang nagtatanong kung bakit sa ABS-CBN ay si Martin lang ang nagpo-promote ng “Two-gether Again” concert nila at sa GMA-7 naman si Pops?

Nag-start na kasi si Pops ng pagiging judge sa bagong show ng Kapuso network.

Noong Thursday ay nag-taping na nga si Pops para sa kiddie game competition show na ang host ay si Alden Richards.

Mamaya nga, si Pops ang maglalaro sa “Bawal Judgmental” segment ng “Eat Bulaga”.

So, sa February 14, 15, 17, 18, 19, 20 at 21 na lang sila makikitang “two-gether” ng mga fan sa kanilang concert series sa The Theater at Solaire!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More