Una sa Balita

JUDAY-PIOLO, NAGHAMUNAN NA MAGSAMA SA TELESERYE!

By
0 18

Sa launching kahapon ng Sun Life ­digital films na tinawag nilang Sun Shorts, napuno ng tuksuhan at kilig ang Rizal Ballroom ng ­Makati Shangri-La, dahil na rin kina Judy Ann ­Santos at Pio­lo Pascual.

Kasama nina Juday at Piolo sina Matteo ­Guidicelli at Miss Charo Santos-Concio sa event na ‘yon, na nakitukso rin sa dalawa.

Sa program kasi, may binabasang spiel (cue cards ang mga hawak nila) ang dalawa. Una muna si ­Juday, na medyo nabulol, at kasunod si Piolo, na medyo nabulol din.

Idinaan sa tawanan ang pagkabulol nila. Pero, naging hudyat nga `yon ng tuksuhan.

Sabi ni Miss Charo, nakasama niya sa teleserye sina Juday at Piolo, at fan na fan daw siya.

“At siguro naman, marami rin dito ang taga­hanga ng Juday-Piolo,” sabi ni Miss Charo, na sinabayan nga ng palakpakan, at sigawan ng mga bisita sa event na `yon.

“Ipagdasal natin na magkasama sila ulit,” ­dugtong na sambit ni Miss Charo.

Ang Esperanza nga ang tinutukoy ni Miss ­Charo, na base sa Wikipedia, ipinalabas sa ABS-CBN nu’ng February 1997 hanggang July 1999.

Meaning, ­umabot nang mahigit dalawang taon ang teleseryeng ito nina Juday at Piolo, na kasama nga si Miss Charo, at pati na rin si Wowie de Guzman.

judy-ann-pioloAnyway, game na game naman na parang naghamunan sina Piolo at Juday na sige nga, magsama na nga tayo ulit sa teleserye.

Parang ganito nga ang ­dating ng hamunan ng dalawa, na may kasunod na matutunog na tawa.

“Okey ba sa’yo?” sabi ni Piolo kay Juday.
“Game ka ba?” tanong naman ni Juday kay Piolo.

At mukhang base sa reaksiyon ng mga tao sa paligid nu’ng oras na `yon, mukhang marami nga ang sang-ayon, at tila sabik na rin na muling mapanood ang dalawa sa teleserye, at malamang sa pelikula.

Pero, mukhang malabo `yon sa ngayon, dahil ang alam ko, si Piolo ay kay Toni Gonzaga muna mapupunta.

At si Juday naman, bukod sa Bet On Your Baby, ang sabi-sabing movie na pagsasamahan nila ni Cong. Vilma Santos ang nakatakdang gawin.

Umasam nga si Juday na magkasama sila ni Ate Vi.

“Parang kulang ang pagiging artista mo kapag hindi mo nakasama si Ate Vi. So, sana talaga, ­magkasama kami,” sey pa ni Juday.

Tsika pa nga ni Juday, nabigyan na siya ng chance na makasama ang Superstar na si Nora Aunor noon, at pati na rin ang Megastar na si Sharon Cuneta. Kaya magandang idea na ang Star For All Seasons naman ang makasama niya.

Siyanga pala, ang bongga lang ng tatlong ­digital films, o short films, na ipinalabas ng Sun Life ­kahapon.

Ang una nga ay ang Waves na nilikha ni Zig ­Marasigan, na tungkol sa mindset ng ­millennials ngayon na ang impresyon ng marami ay mas ­gusto ang YOLO (You Only Live Once), kesa ang ­maghanda sa future.

Kasunod naman ang She Said, She Said ni Nic Reyes, na tungkol naman sa relasyon ng single mom sa kanyang anak na babae.

At pangatlo ang Sayaw ni Mihk Vergara na ­tungkol naman sa relasyon na dumaan sa maraming pagsubok.

Napanood ang mga short films na ito nitong June 7 sa www.sunshorts2.com, at pati na rin sa Facebook. Napanood din ang reaksyon nina Matteo, Juday at Piolo sa tatlong pelikulang ito.