Una sa Balita

Juday-Piolo comeback movie, ididirek ni Joyce Bernal!

By
0 450

Nakadepende kay Judy Ann Santos ang posibilidad ng comeback acting project nila ni Piolo Pascual.

Sa presscon ng Sun Life para kay Juday bilang endorser nila, sinabi nitong kailangan muna niyang magpapayat bago siya uli tumanggap ng movie o TV project. Ibabase rin niya ang desisyon niyang gumawa ng pelikula o serye with Piolo sa ilalatag na materyal sa kanya.

Nilinaw ni Juday na hindi sila magkaaway ni Piolo. Pagpapatunay pa niya, sa tuwing nagkikita sila nito gaya sa ASAP ay nagbabatian sila.

Hindi man daw sila nagkakausap nang matagal, o ng puso sa puso ni ­Piolo, ang importante ay maayos daw ang kanilang samahan. Matagal na panahon na raw ang kung anuman ang naging isyu sa kanila ni ­Piolo at naayos na nila ito sa paglipas ng ­panahon.

Hindi naging mahirap kay ­Juday ang pagtanggp sa offer ng Sun Life Philippines kahit alam niyang ­endorser din dito sa Piolo. Tinanggap niya ang offer dahil matagal na siyang kliyente nito at nani­niwala siyang magkakaroon ng seguridad ang pamilya niya.

Tipong tapos na nga ang anu­mang isyu sa dalawa dahil sa kauna-unahang pagkakataon nag­sama sa isang photo ang dalawa.

Samantala, nagkaroon ng pag-asa si Piolo Pascual na magkaroon sila ng reunion movie ni Judy Ann Santos nung ­ibalita sa kanya ni Direk Joyce ­Bernal na okey sa actress ang inalatag nilang storyline sa project na ­inaalok nila rito.

Ibinalita ito ni Piolo sa presscon ng Sun Life, na nag-pitch in na raw siya ng story line kay ­Juday at sinabi naman nitong um-okey naman at nagustuhan daw ng aktres.

Si Direk Joyce Bernal ang napupusuan ni Piolo na magdirek ng kanilang comeback movie.

Wala pang maibigay na detalye ang aktor dahil hihintayin pa niya kung kailan puwedeng bumalik sa trabaho ang aktres.

Minsan pang nilinaw ni ­Piolo na okey sila ni Juday. Matagal na raw sila nitong nagbabatian at nagkakausap sa tuwing magki­kita sila nito.

Consistent si Piolo sa pagsasabing isa si Juday sa may mala­king kontribusyon sa kanyang karera sa industriyang ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More