Una sa Balita

Juday nagpasilip ng puwet, pata

0 757

Ni: Rose Garcia

“Parang magkakaroon ng kasunod si Luna,” ang comment ni Gladys Reyes sa Instagram post ni Ryan Agoncillo.

Sabi naman ni Michael V, “Aba, aba, aba… mukhang mainit ang Pasko n’yo a…”

Si Ogie Alcasid naman, napaka-comment ng, “Honeymoon!!!”

At parehong napa-“Huwaaaw” at “Wow” sina Agot Isidro at Paolo Ballesteros sa maagang IG post ni Ryan habang kasagsagan ng bagyong Tisoy.

Ang caption nito ay, “Baby’s got blue skies up ahead.”

Ang tila pagpapainit na post ni Ryan sa Instagram ay larawan ni Juday habang nakahiga ito sa kama, in all white linen at nakasuot ng puting polo habang walang takot na nagpakita ng kanyang kanang puwet. Seksi-seksihan si Juday!

Obviously, si Ryan ang photographer at very proud ito sa misis niya na kakapanalo lang din ng Best Actress sa Cairo International Film Festival para sa 2019 MMFF entry rin nitong “Mindanao”.

Roxanne Barcelo 3 taon nang tigang

Lagpas-lagpas na raw sa three months rule ang nangyayari kay Roxanne Barcelo simula nang mag-break sila ng dating boyfriend na si Will Devaughn. Kaya ready na naman daw siya sakali at may magustuhan nga siya at maging karelasyon.

Three years na raw since nag-break sila, e, ang sinasabi, ‘yung three months rule na wala muna.

“Three years na, may anak na si Koya! Nine months na ‘yun, plus two months na jowa, plus, plus,” natatawang sabi niya.

Inamin naman ni Roxanne na nag-date rin naman siya, may ilang nanliligaw, pero ‘yung relasyon ay wala pa raw talaga.

“Dating, may ilang nanliligaw, pero pinahinga ko talaga ‘yung puso ko. Tapos itong five months, since nangyari kay fadir, kada may lalapit, dedma.

“Eh, three months rules, umabot ng four months, hindi ko pala kaya. Ngayon, five months na, keri na. Lumalabas-labas na, date, may nanliligaw.”

Showbiz o non-showbiz?

“Non-showbiz, ayaw na natin ng showbiz,” sey niya.

Nagsasalita na raw siya nang patapos.

“Mahirap e, although may nag-comment na it’s the best break-up in showbiz ever, ang bitter-sweet ng statement na ‘yun. Break-up pa rin siya, masakit siya.

“Siguro kasi, napatawad namin ang isa’t isa, never kaming nagsalita ng negative. Siguro, respect is the best word,” sey niya.

Sa ngayon daw, inspired daw siya sa career niya. Ngayong araw nga na ito showing ang pinagbibidahang pelikula na “Love is Love” kunsaan, isang transgender ang role niya.

Bukod pa rito, ang pakikipagbalikan niya sa kanyang first love, ang singing.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More