Una sa Balita

Juday nag-imbento ng face shield para sa mga frontliner

0 830

Lumabas ang mga malikhaing pag-iisip ng mga celebrity sa panahong ito na nagkakaubusan na ng mga Personal Protective Equipment (PPE).

Nakaisip nga si Judy Ann Santos ng DIY (do it yourself) face shields na pinoste nya sa kanyang Instagram. Pinuri si Juday ng kanyang mga fan, follower nang gawin niya ang isang clear face shield na ginagamit ng mga medical frontliner, para hindi madapuan ang anumang parte ng kanilang mukha ng coronavirus.

Gawa sa isang plastic material, na may foam at tali, ang face shield na gawa ni Juday na ipamimigay sa mga frontliner. Malaki ang maitutulong nito dahil kahit sino ay puwedeng gumawa nito sa kani-kanilang mga tahanan.

Ganito rin ang ginawa ni Vicki Belo at ng kanyang mga kasamahan sa bahay. Ipinakita nya sa kanyang Instagram ang nagawang face shield nila ng anak na si Scarlet Snow Belo.

At tutulong din sa project na ito ang sikat na designer tulad ni Rajo Laurel, na siya raw gumawa ng mga reusable PPE. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More