Una sa Balita

Juday magdedemanda, ginamit ng mga scammer

0 366

Tuloy na tuloy na ang pelikulang “Mother”, na siyempre pa ay pagbibidahan ni Judy Ann Santos. Kuwento ito ng buhay ng mabait, sikat, at nakakaaliw na prodyuser na si Mother Lily Monteverde.

Kahapon nga ay magkasama na sina Juday at Mother Lily, pati na rin ang magdidirek ng movie na si Erik Matti. Mababasa nga sa Facebook post ni Roselle Monteverde na tuloy na ang proyekto, at magsyusyuting na sila agad-agad.

“#Mother filming soon with director Erik Matti and the unanimous choice to portray Mother is Judy Ann Santos-Agoncillo,” sabi pa ni Roselle.

Pero kahapon din, nagbuga ng apoy si Juday sa mga scammer na gumamit ng kanyang pangalan. Kaloka lang na paulit-ulit ngang nabibiktima si Juday ng mga ganitong scammer.

“Nakakaloka… 2020 na hindi nyo pa rin ako tinatantanan.. sa lahat ng nagtatanong.. kahit anong makita po ninyong ads na lumalabas sa mga Facebook pages ninyo, HINDI TOTOO! Mapakape pa yan o pills o kahit na anong klaseng pampapayat ay hindi ko ginagamit at hindi ko iniendorso! We have reported this site already, and our lawyers our doing the necessary legal actions to take down these fraudsters! do not believe these fake ads! Nakikita ninyo kung ano-ano ang mga produktong totoo kong ginagamit at iniendorso.. hanggat hindi mismong sa IG feed ko lumabas at hindi sa akin mismo nanggaling.. ibig sabihin hindi totoo.. #notoscams,” iritadong say ni Juday na nakatakda ngang magdemanda, ha! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More