Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Juday, Kathryn tabla sa ‘Pinakapasadong Aktres’

0 545

Para sa taong 2020, dalawang magaling na aktres ang pumasa bilang Summa Cum Laude. Ang dalawang aktres ay may magkaibang husay at kalakasan sa pag-arte.

Yes, wagi nga bilang Pinakapasadong Aktres sa Gawad Pasado sina

Kathryn Bernado at Judy Ann Santos.

Si Kathryn ay nagpakita ng husay sa pag-arte bilang OFW sa Hong Kong na nangangarap magkaroon ng magandang buhay para sa kanyang pamilya, sa pelikulang Hello, Love, Goodbye.
Ipinakita ni Kathryn ang galing sa paggalaw at pagbibitiw ng mga linya na tumatak sa puso ng lahat.

Si Juday naman ay nagpakita ng de-kalidad na pag-arte na hinangaan maging sa ibang bansa. Malinaw pa sa kristal na binuhay niya ang isang ina na nakikipaglaban para sa buhay ng anak na may cancer.

Sa kanyang mukha at mata mababanaag ang lumbay at lamlam na binabalot ng lungkot. Kaya naman hindi na kataka-taka na wagi siya para sa pelikulang Mindanao. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.