Una sa Balita

Juday itinanggi ang away sa datung kay Ryan

By
Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo
0 9,076

Bongga rin talaga ang couple na sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Pagdating sa ka­ni­lang pinagkakakitaan, kanya-kanya silang dalawa, huh!

Maaaring tawagin itong modern financial management ng mag-asawa dahil iba nga ito sa naging tradisyon noon na ang lalaki ay ibinibigay ang lahat ng suweldo o pinagkakakitaan niya sa kanyang asawang babae.

Pero may punto naman dito si Juday, noh! Sabi nga niya, meron silang joint account ni Ryan at iba pang accounts para sa kanilang travel bud­get, educational budget at emergency budget.

Nag-iintrega naman daw sa kanya si Ryan para sa kanilang monthly bills, at ang sobra nito matapos mabawas ang iba pang savings nila o pinagkakagastusan ay sariling-sarili na niya ang tira at bahala na siya kung ‘for the boys’ na niya ito gagastusin, noh!

Siyempre, ganun din naman siya, kaya wala silang lamangan ng kanyang mister.

So far, bongga naman daw ang ganitong arrangement da­hil hindi naman sila nag-aaway pagdating sa pera at hindi pa nila pinag-aawayan ang anumang nagastos nila para sa kanilang pamilya.

Iba’t iba at ang layo nga raw ng role ng kanyang mister sa pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes sa tunay niyang asawa, kaya happy in love and marriag­e talaga si Juday!
Bongga!