Una sa Balita

Juday best actress sa Cairo

0 402

Super trending si Judy Ann Santos kahapon, dahil isang bonggang karangalan nga ang natanggap niya, at pati na rin sa Pilipinas.

Wow, muli nga ay nasungkit ng Pilipinas ang best actress sa Cairo International Film Festival in Egypt, na unang nakopo ni Nora Aunor noon, para sa pelikulang “The Flor Contemplacion Story”, na dinirek ni Joel Lamangan.

“Judy Ann Santos just won BEST ACTRESS for ‘Mindanao,’ her latest film directed by Brillante Mendoza at the 41st Cairo International Film Festival in Egypt.

“‘Mindanao’ also scored the prize for best artistic contribution at the 41st Cairo International Film Festival. CONGRATULATIONS TEAM MINDANAO!” ang bonggang pagbati, post ni FDCP Chair Liza Diño-Seguerra.

At heto naman ang reaksyon ni Juday, na wala palang kamalay-malay na kinilala na sa ibang bansa ang kanyang kahusayan sa pag-arte.

“Yung nagising ako kaninang umaga ng gulat na gulat at taking-taka kung bakit ako kino-congratulate ng napakaraming kaibigan ko sa text. Hindi naman ako buntis, hindi naman ako kasali sa SEA Games. Hindi rin naman ako nanalo sa lotto.

“Mas higit pa pala sa lotto ang napanalunan ko!!!! Gusto kong isiping nananaginip lang ako…baka hindi pa ko gising siguro? (emoticon) in denial pa ko sa simula.

“Pero nung si Direk Brillante na ang nag-text sa akin… unti-unti na akong natauhan at naiyak… Grabe!

“Sa malamang habang tinatawag ang pangalan ko sa Egypt… kasalukuyan kong iniiskoba ang sahig ng kusina ko sa Angrydobo. Napakarami at napakalaki ang dapat kong ipagpasalamat sa Panginoon. Hindi pa natatapos ang 2019, binusog na Niya ng sobra-sobra ang puso ko sa napakaraming bagong experiences ang binigay nya sa akin.

“Iba’t ibang lugar ang napuntahan ko sa iba’t ibang larangan ng industriyang mahal ko at patuloy kong inaaral. Maraming-maraming salamat po sa inyong lahat na patuloy na naniniwala at nagtitiwala sa aking munting kakayahan bilang artista at kusinera.

“Sa lahat ng kasama kong bumuo ng pelikulang MINDANAO.. para sa atin ito guyzzzz… @brillante_mendoza maraming salamat sa tiwala at pagtyatyaga sa akin.. To my launchpad family.. malaking parte kayo ng recognition na ito.. thank you for supporting me in everything that i want to do and explore.. to my little angels.. yohan, lucho and luna.. if it weren’t for you guys… mom would’ve had a hard time portraying my character.. to my mom, kuya and ate.. para sa inyo to. (hearts) my love.. rye.. thank you for always supporting me in everything i do and love.. my heart is soooooo full!! Iba ang Pilipino! MABUHAY ANG PILIPINAS!”

Congrats, Juday! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More