Una sa Balita

Juancho kinuyog sa pag-dirty finger kay Alden

0 3,803

Basag na basag ang Kapuso actor na si Juancho Trivino sa mga fan ni Alden Richards sa kumalat na video niya na dini-dirty finger niya ang life-size poster ng Pambansang Bae para sa ini-endorse nito na isang mamahaling relos habang nasa loob ng department store.

Kinuyog si Juancho ng panlalait mula sa mga fan ni Alden kaya naman namagitan na ang GMA Artist Center sa isyu at pinahayag sa isang statement na, ‘We deal the matter internally.’

Nag-sorry na rin si Juancho sa pamamagitan ng kanyang Twitter account tungkol sa video na ‘yon.

“I sincerely apologize for my actions in the video that has been circulating recently. It was a bad joke not intended for Alden. Humihingi ako ng pasensiya kay Alden for dra­wing him into this, and sa kanyang pamilya na nagkaroon ng ganitong issue.

“I also would like to say sorry to the people who are supporting me, to my fans who were disappointed with my actions, to my family who does not have anything to do with this incident.

“There is no excuse for what I did, and again, I sincerely apologize. Having said all of these, you can expect a better Juancho and I will be more mindful of these things.”

Wala pang reaksyon si Maine Mendoza sa issue na kaibigan ni Juancho. Wala pa ring reaksyon si Alden as of this writing dahil hapon pa ang schedule niya sa pagharap sa media kaugnay ng isang product endorsement.