Una sa Balita

Juancho, Joyce sa Feb. 2020 ang kasal

0 457

Nakahinga na nang maluwag ang malapit na ngang ikasal na si Juancho Trivino dahil sa wakas ay ga-graduate na siya mula sa kanyang kurso na business management sa De La Salle University sa Manila.

Inabot ng 11 years si Juancho bago niya natapos ang kanyang kurso dahil sa sunod-sunod na trabaho sa GMA-7. Bukod sa morning show na “Unang Hirit”, bida pa si Juancho sa teleserye na “Madrasta”.

Pinost ng Kapuso leading man ang kanyang naging final defense sa kanilang group thesis at nakakuha sila ng 96% grade.

“So I just finished my final defense today, i am happy to report that our group got 96%, iba talaga pag magagaling ung groupmates mo. (lol emoticon) joke lang, tumulong naman ako. So, with this done all thats left is one subject and then Ma-Martsya na ko, after 11 years in college (6 years off bcos i worked) – ayun na nga, mauuna ung kasal kesa sa graduation. Sorry Mom and Dad. Hehe. Nevertheless To God be the Glory. #EducationIsKey #SchoolIsCool.”

From a reliable source, February 2020 ang buwan na ikakasal sina Juancho at Joyce. Kaya nabanggit ng aktor na mauuna pa siyang ikasal bago ang college graduation niya. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy