Una sa Balita

Juancho, Joyce plano nang pakasal

0 462

Without batting an eyelash, diretsahang sinabi ni Juancho Trivino na nasa plano nila ng kanyang girlfriend na si Joyce Pring na magpakasal.

Ayon pa kay Juancho, nakikita raw niya na mauuwi sa kasalan ang relasyon nila ni Joyce.

“Yeah. That’s the ultimate plan naman talaga para sa ‘kin.

“Ako hindi naman ako pupunta sa isang relationship without knowing or wanting that,” nakangiting pahayag ni Juancho.

“Compatible kami in a lot of ways. Masaya ako with her.

“She makes me a better person, I make her a better person so that’s all I need basically maliban siyempre sa others na binibigay niya,” sey pa ni Juancho.

Ayon pa kay Juancho, super supportive si Joyce sa team-up nila ni Arra San Agustin sa “Madrasta”. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More