Una sa Balita

Juancho 2 oras umiyak sa sorpresa ni Joyce

By
0 964

Dalawang oras na umiyak si Juancho Trivino na ang dahilan ay ang dyowa niyang si Joyce Pring.

Naka-post sa Instagram wall ng “Unang Hirit” host ng GMA 7 ang ilang larawan kung saan makikitang may selfie photo ang dalawa, at meron din na nakatayo ang Kapuso hunk sa isang white tussle curtain na may pa­lamuting red balloons at nakasulat na I Love You.

At sa isang photo naman ay makikitang luhaan ang aktor. Nakasubsob ang ulo nito sa pag-iyak.
Ayon sa caption ni Joyce sa mga nasabing photo, binigyan niya ng advance Valentines’ surprise si Juancho. Ito ay bilang pambawi ni Joyce sa mga nakakakilig na “love gesture” sa kanya ni Juancho.

Halos malunod na nga raw si Joyce sa mga kung ano-anong pasalubong ni Juancho sa kanya. Mula pa nang magsama sila sa “Unang Hirit,” hindi na raw halos sila naghiwalay ni Juancho sa pagpunta sa mga show, party, at pagsisimba.

Sinabi ni Joyce na baka sa susunod na linggo pa sila puwedeng magkita at mag-celebrate ng kanilang Valentines’ dahil sa kanyang mga commitment.

Kakuntsaba ang kanyang mga kaibigan nang sunduin daw ni Juancho si Joyce, tumambad sa kanya ang surpresa nito at maging ang inihandang early Valentines’ dinner nila, with matching video presentation ng mga moment na magkasama sila.

Humagulgol na parang bata si Juancho lalo na habang pinapanood nito ang video.

Sabi pa ni Joyce, dalawang oras umiyak si Juancho sa surprises niya sa boyfriend.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More