Una sa Balita

Jr. Volcanoes pinulbos ang China, tinakbo ang bronze

By
0 390

Pinulbos ng Pilipinas ang China sa 3rd/4th playoff final match via 33-19 win upang maiuwi ang bronze medal para sa pinakamataas na pagtatapos sa loob ng limang taon sa katitiklop na 11th Asia Rugby Under-19 Division 1 sa Bang-Bon Stadium sa Bangkok, Thailand.

Lumapag sa nasabing salpukan ang Philippine national men’s U19 squad makalipas malasap ang 8-16 loss sa kamay ng Thais sa tatlong araw na torneo para sa apat na bansa.

Kumapit sa Divion I ang Nationals tapos dalawang beses garotehin ang Singapore sa Southern Plains Stadium sa Calamba City noong Hunyo, 32-24 at 38-12.

Ilan sa bumubuo sa Jr. Volcanoes ang mag-utol na sina team skipper Jeromy at Manaia Zafra Cairns, team vice-skipper Tom Canon Coleman, James Halasan Ryan, Owen Gasgonia Wakeham, Matthew Imperial Davie, Dean dela Beeton, Reymarc Bustillo, Craig Bayer Wallace, at Jason Bonilla Schirmer.

“A good result, the best result we have had since 2014. So that’s another positive for 2018, it’s been a tremendous year. Very happy they finished here on a win,” litanya kahapon ni Philippine Rugby Football Union gene­ral manager Jake Letts.

Ang host country ang nag-uwi ng gold nang mawalis ang dalawang salang, kabilang ang 19-15 kontra sa nag-silver na Singaporeans at ma-promote sa Top Division sa susunod na torneo sa papasok na taon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy