Una sa Balita

Jr Volcanoes pinasabog ang Thais

0 280

NAGTALA ng sariling kasaysayan ang Junior Volcanoes sa Philippine rugby nang masalisihan ng national team ang Thailand via overtime kicking contest Asian Rugby Under 19 Men’s Division 1 2019 nitong Miyerkoles sa Yongchuan Sports Center sa Chongqing, China.

Ang mga may ginintuang sipa para sa dramatikong come-from-behind win ay sina Jaime Chuidian, Louis Sollano-Antonio at. Patrick Deguia Badana Hill.

Ang unang panalo ng PH quad sa sinalang na dalawang semifinals game – isa ang tinampukang pagtumba ng Sri Lanka sa China, 39-14 — ang nagpasok sa mga Pilipino at Sri Lankan na magbuno sa Cup Finals sa Sabado ng hapon.

Anuman ang maging resulta ng Pilipinas, ito ang pinakamataas na naabot ng bansa sa U19 standing sapul pa noong 2009.

Agad na nakaiskor si Owen Gasgonia Wakeham para sa ‘Pinas. Pero gumanti ang Thais sa tatlong sunod na pag-iskor upang iwanan pa ang ang mga Pinoy sa 17-10 abante.

Sa patapos na regulasyon na 70 minuto, nakatapak pa si Paco Locsin sa try line para bigyang tsansa ang Jrs squad. Dito nagawa bago pa tumunog ang sirena ni Wakeham ang near-perfect kick sa sideline upang itulak ang laban sa 17-all at OT game.

Nasa tournament rule na kung magtatabla ang laban sa full-time ang laban, dedesisyunan ng kicking contest kung saan pipiliin ng mga koponan ang kanilang limang kicker.

Una si Wakeham umiskor pero tinabla ng Thai sa tig-isang conversion, saka napresyur na ito at bumigay sa laban. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More