Una sa Balita

Joyce Ching ‘di type’ ang napangasawang si Kevin

0 690

Kasal na nga si Joyce Ching kay Kevin Alimon. Ginanap ang kasal sa Baguio Country Club in Baguio City noong Dec. 8.

Sa isang bonggang garden wedding nag-exchange ng “I dos” sina Joyce at Kevin sa harap ng kanilang pamilya at mga kaibigan.

Noong February 18 nag-propose si Kevin kay Joyce habang naglalaro sila sa isang escape room kasama ang kanilang mga kaibigan. Inamin noon ni Kevin na matagal na niyang crush si Joyce at natuwa naman ang aktres sa pagdating sa kanyang buhay ni Kevin.

Ito ang pinost ni Joyce sa kanyang Instagram noong nakaraang anniversary nila last year:

“When I asked God for a relationship, I didn’t pray for anything or anyone in specific, all I asked is for Him to prepare me for it. So He gave me someone I didn’t like. Because you know, funny din talaga si Lord minsan. Kaya ayan, naging kami. Thank you for pursuing God everyday. I am super grateful to have you. Happy Anniversary! (heart emoticon) (P.S. Like ko na siya ngayon) (P.S. ulit. I love you).”

Huling nakarelasyon ni Joyce ay ang ka-love team niyang si Kristoffer Martin. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy