Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Joyce, Anna Marie kakabugin: Christine Bermas todo hubad sa ‘Scorpio Nights 3’

0 465

Ang ‘Scorpio Nights’ nina Anna Marie Gutierrez, Daniel Fernando, Orestes Ojeda ang napanood ni Christine Bermas, bago niya ginawa ang ‘Scorpio Nights 3’.

Ang ‘Scorpio Nights 2’ raw kasi nina Joyce Jimenez, Albert Martinez ay hindi na niya mahanap ang kopya. May mga maiiksing eksena lang daw siyang nakita sa YouTube.

Siyempre, dahil sa Vivamax nga raw ipalalabas ang ‘Scorpio Nights 3’ nila nina Gold Aceron, Mark Anthony Fernandez, iinaasahan na agad na mas matindi, malandi, mapangahas, puno ng kangkangan, hubaran ang gagawin nila.

“Lahat po kasi ng inutos sa akin, ginawa ko. Nagawa ko na rin kasi siya noon, kaya okey lang. Kasi once na tumanggap ka ng ganito, dapat wala kang hesitation, dapat gawin mo lahat, at hindi ka dapat magdalawang isip.

“Ito kasing 3, parang same sa 1. Pero, parang mas pinalawak lang namin ang story!

“Ang karakter ko kasi sa ‘Scorpio Nights 3’ bilang si Pinay, isa siyang cam girl, na asawa ni Mark Anthony, na kanang kamay ng mayor.

“Pero may pressure rin talaga sa akin, kasi kapag narinig mo ang Scorpio Nights, markado na sa lahat ng tao. Well, tingnan na lang natin kung hanggang saan ang pinakita ko rito.

“Pero, ang masasabi ko lang, kaya kong ibigay ang lahat para sa movie na ito. Basta abangan na lang nila,” sabi ni Christine.

So, kakabugin pala niya sina Anna Marie at Joyce?

“Ang masasabi ko lang, ito na talaga ang pinaka-boldest ko! Ito na ang pinaka-sexiest na ginawa ko. Pero, hindi lang naman siya puro hubaran, kundi may story rin naman.

Siya na ba ang bagong ‘pantasya ng bayan’?

“Handa naman ako na matawag na ganun. Kung ano man ang mariring kong mga comments, ready naman ako. Kung ano ang gusto nilang itawag sa akin, kung pantasya ng bayan, okey po sa akin,” sabi ni Christine.

May eksena raw sa movie na ito na ‘hinada’ niya si Gold?

“Hahahaha! Hinawakan kop o. Nandun ako sa character ko, so hindi ko na inisip na ako ‘yon. Basta kung ano lang ang kinailangan sa movie, ginawa ko. Hindi naman kailangan na ma-experience ko ‘yon in real life para magawa ko. Kasi, kapag na-feel mo na ang character mo, susunod na lang talaga `yon,” sabi na lang ni Christine.

Well…

Leave A Reply

Your email address will not be published.