Una sa Balita

Joy Belmonte top choice pa rin sa QC

0 647

NANGUNGUNA pa rin at top choice pa rin sa puso ng nakarara­ming taga-Quezon City para maging susunod na Mayor ng lunsod si QC Vice Mayor Joy Belmonte.

Batay sa pinaka-la­test survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc.), nakakuha si Belmonte ng 62 percent votes o mas mataas ng 26 percent na boto sa kalaban sa pagka-Mayor ng QC na sina Rep. Bingbong Crisologo na nakakuha lamang ng 36 percent votes at 1 percent naman ang nakuha ni da­ting Rep. Chuck Mathay.

Mahigit 8, 000 re­histradong botante ang tinanong sa naturang survey na ginawa noong Abril 1 hanggang Abril 8 ngayong taon.

Bunga nito, pinasa­lamatan ni Belmonte ang kanyang mga tagasuporta dahil sa walang sawang pangtangkilik sa kanyang kandidatura sa pagka-mayor ng QC
“I am really grateful that our constituents continuously entrust their support to me and to my leadership. I am happy with the survey because it means that voters in Quezon City agree with my platform to bring inclusive development for all in the city,” pahayag ni Belmonte na tumatakbo bitbit ang slogan na “Kasama Ka Sa Pag-unlad.”

Sa nagdaang mga survey sa QC, tatlong beses na nailampaso ni Belmonte sina Crisologo at Mathay sa pagka-mayor sa Quezon City. Sa nagdaang survey ng RPMD Inc  noong March 1-10, 2019 na kumakatawan sa 3,500 voters, nakakuha si Belmonte ng 75 percent votes na malaking lamang kay Crisologo na nakakuha lamang 24 percent votes habang si Mathay ay one percent.
 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy