Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

JoWaPao mabenta kahit may pandemya

0 673

Masuwerte nga sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, dahil sa panahon ngayon, tambak pa rin ang trabaho nila. Bukod sa Eat Bulaga, magsisimula na nga sila sa TV5 (ngayong linggo ang taping nila) ng kanilang bagong show.

Pero, aminado si Jose na nakakaramdam din siya ng takot sa tuwing lumalabas siya ng bahay. Kasi nga, hindi mo alam kung ano ang puwedeng mangyari sa iyo, na baka kahit sobrang ingat mo ay mahawaan ka pa rin ng coronavirus.

Anyway, sa Eat Bulaga nga, na kung saan ay sumalang ako bilang isa sa mga ‘choices’ sa Bawal Judgmental, kasama si Jose Manalo, kitang-kita mo ang maingat na prosesong ginagawa nila bago ka tuluyang makapasok sa studio.

Sa gate pa lang ay halos paliguan ka na ng alcohol, at may nurse na agad na haharap sa iyo para tulungan kang i-exercise ang ‘baga’ mo sa pamamagitan ng inhale, exhale method. Siyempre, kukunan ka rin ng temperature, at bongga rin ang physical distancing, dahil talagang may mga mala-cubicle na naghihintay sa iyo sa loob na napapalibutan ng salamin, at siyempre, bukod pa sa kalat din ang mga floor matt na may mga disinfectant. Bawat dadaanan mo nga ay kailangan mong umapak doon. At bago ka sumalang sa mismong studio, ii-spray-an ka ulit ng alcohol, para sure na patay ang virus sa katawan, kamay mo.

Sa panahon ngayon, hindi nga puwedeng pa-easy-easy ka lang. kailangan ang doble, tripleng ingat.

SM food to go Banner Ad

Zia type gawing rakista ni Dingdong

Sinusulit talaga ni Dingdong Dantes ang bonding time niya kasama ang kanyang pamilya.

Sa latest Instagram stories ng Amazing Earth host, mapapanood si Zia na nagpe-play ng drums habang maririnig sa background ang boses ni Dingdong na nakabantay at nagtuturo sa anak.

Pinakita pa ni Dingdong ang laptop na may Nirvana track na maaaring ginamit nila na inspirasyon para sa kanilang drum session.

Ang bongga lang dahil parang type yatang gawin ni Dingdong na rakista si Zia, ha! Kung ang ibang batang babae ay ang pagkanta ng mga Disney songs ang inaatupad, ang pagtatambol sa mga kanta ng Nirvana naman ang ginagawa ni Zia. Winner, di ba?

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.