Una sa Balita

Jowa ng iba inangkas: Janitor binurdahan ng saksak

0 442

Nakaratay sa pagamutan ang 27-anyos na janitor na pinagsasaksak ng kinakasama ng babaeng kanyang inangkas sa motorsiklo sa Valenzuela City kahapon.

Ginagamot sa Valenzuela City Medical Center si Sammy Dela Cruz, ng Brgy. Catmon,­ Malabon City, sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Bong Rama, 24, residente ng Diam St., Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela­ City.

Batay sa ulat ng pulisya, ala-1:30 kahapon ng madaling-araw nang mangyari ang insidente sa Brgy. Gen. T. De Leon ng nasabing lungsod.

Inangkas umano ni Dela Cruz sa kanyang motorsiklo ang live-in partner ni Rama na si Jennifer Cendena, papuntang birthday party sa kaibigan ng babae.

Subalit nakita umano ito ng suspek, kaya inabangan niya ang biktima sa lugar at nang magkaroon ng pagkakataon na nilapitan ito ay saka pinagsasaksak.

Nahaharap sa kasong frustrated homicide si Rama. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy