Una sa Balita

Joven may tatargetin sa Ronda

By
0 2,924

PUNTIRYA ni Cris Joven na lampasan ang third-place finish nito ng nakaraang taon pagpadyak niya sa Army-Bicycology Shop team sa Ronda Pilipinas 2018 na magsisimula sa Marso 3 sa Vigan, Ilocos Sur at magtatapos sa Marso 18 sa Filinvest, Alabang.

Tumersero si Joven, 30, sa likuran nina eventual champion Jan Paul Morales at Navy-Standard Insurance teammate Rudy Roque.

Ayon kay Joven, hindi 100 porsiyento ang preparasyon niya noong nakaraang edition, mas maganda ang kundisyon niya ngayon sa 12-stage race na prinesenta ng LBC at suportado ng MVP Sports Foundation, CCN, Petron, Versa.ph, 3Q Sports Event Management, Inc., Boy Kanin, Franzia, Standard Insurance, Bike Xtreme, SH+, Guerciotti, Prolite, Green Planet, Maynilad, NLEX Cycling, Lightwater, LBC Foundation at PhilCycling.

“Compared to last year, I’m better prepared now so hopefully I could contend and challenge them again,” saad ni Joven, pambato ng Iriga, Camarines Sur.

Makakatuwang ni Joven sina veteran campaigners Alfie Catalan, Merculio Ramos, Jr., Marvin Tapic, Reynaldo Navarro at Alvin Benosa upang harapin ang mga big guns tulad nina Morales at former champions Santy Barnachea ng Team Franzia at Iris Valenzuela ng CCN Superteam.

Ang ibang miyembro ng Army-Bicycology team ay sina Lord Anthony del Rosario, Kenneth Solis at Cris Joven.

May P1 million ang nakataya sa nasabing karera, magsisimula sa criterium sa Vigan na may distansyang 40-kilometer, (Stage 1, March 3) at saka pasisibatin ang mga siklista sa Stage 2 mula Vigan papuntang Pagudpod na may layong 155.4km. (Elech Dawa)