Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jovelyn, pakner ginulpi Malaysia

0 91

DIRETSO ang mainit na paghampas ng Philippine national women’s beach volleyball team matapos masungkit ang kanilang ikalawang panalo sa women’s beach volleyball event preliminaries ng 31st Southeast Asian Games, Lunes sa Tuan Chau, Quang Ninh sa Vietnam.

Winalis nina Bernadeth Pons at Cherry Ann Rondina ng PH team 1 ang kampo ng Malaysia, 21-11, 21-9, sa kabilang dako, wagi rin sina Jovelyn Gonzaga at Dij Rodriguez ng PH team 2 laban sa Malaysia sa iskor na 21-14, 21-9.

Asinta ng Philippine squad ngayong biennial meet na mahigitan ang kanilang bronze medal finish noong 2019 SEA Games.

Samantala, sunod na makakabangga ng national team sa kumpetisyon ang koponan mula sa Indonesia, Martes. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.