Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Jovelyn kabado sa beach volley

0 110

NGAYONG pinayagan na ng IATF ang Philippine SuperLiga (PSL) na magsagawa ng beach volleyball tournament, nagdiwang si volleybelle Jovelyn Gonzaga at ang kanyang buong koponan.

“At first we are very glad na na-approve na ‘yun beach volleyball,” pahayag ni Cignal HD spiker star Gonzaga sa Sports Page.

“Siyempre hindi tayo mabobokya sa taong `to kaya at least nagkaroon tayo ng beach volleyball na tournament.”

“At the same time very hesitant rin kasi risky talaga pagbalik sa COVID,” pag-amin nito.

Pero naniniwala naman itong gagawan ng paraan ni PSL president Ian Laurel ang sitwasyon.

“But I believe, we believe naman na yung protocol – maseset-up naman talaga ni Doc Ian [Laurel].” (Aivan Episcope)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.