Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Joshua pumiyok sa laglag katawan

0 121

Marami ang nakapansin nu’ng lockdown sa pagbagsak ng katawan ni Joshua Garcia. Mukha siyang tuyot dahil sa sobrang kapayatan.

Nagdududa rin ang ilan na masyado niyang dinibdib ang paghihiwalay nila ni Julia Barretto kaya nalaglag ang kanyang katawan.

Nagpaliwanag siya na malaking factor ‘yung hindi nakakatulog sa gabi dahil sa paglalaro sa online.

“Nung first lockdown, first month, inaabot ako ng umaga kaka-computer,” paliwanag niya sa Cinema News At Home Edition with Bianca Gonzalez .

Dagdag pa niya nasobrahan din daw siya sa cardio exercise

“Nag-jog ako sa village, takbo nang takbo. Nasobrahan, sobrang payat ko. Iniinom ko na vitamins may something about sa metabolism. Anlala ng payat ko,” lahad ng aktor.
E, di wow!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.