Una sa Balita

Joshua parang asong nakabuntot kay Julia

0 2,317

Aminado si Julia Barretto na hanggang ngayon ay may trust issues pa rin sa kanila ni Joshua Garcia matapos nga ang pinagdaanan nila na may kinalaman sa isang fan girl na naging dahilan ng kanilang pag-aaway.

Hindi rin itinanggi ni Joshua na naging lesson in life (and lovelife) ito sa kanya pero naging very honest naman siya and he owned up to his mistake, ika nga.

Nakakatuwa naman din ang anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla na naging very mature ang pagharap niya sa kanilang problema at hindi siya na­ging iskandalosa, noh!

At least, pinatikim niya kay Joshua ang ‘lupit’ ng isang Barretto, na hindi basta-basta puwedeng lokohin o paglaruan ang kanilang emosyon.

Kaya ngayon, tamed like a dog si Joshua na hindi na puwedeng kumahol pa sa ibang babae, or else, face the consequence ang losing the girl na ayon sa kanya ay mahal na mahal niya.

Si Julia naman, hindi naman feeling mahaba ang hair dahil dati na itong mahaba, pero sa totoo lang, alam niyang kaya niyang disiplinahin ang nagbabagets-bagets pa niyang ‘dyowa.

Anyway, ang importante ay okey na sila, naayos na, alam na ni Joshua ang boundaries niya, at moving forward na sila sa kanilang relasyon.

This time, mas closer na sila, mas kilala na nila ang isa’t isa at talagang nagmamahalan sila.

LJ gusto nang pakasal kay Paolo

Nagulat si LJ Reyes na may tsika na engaged na raw sila ni Paolo Contis.

Well, wishing well pa rin daw ito para sa kanya bilang babae, pero ayaw naman niyang pangunahan ang anumang plano ng kanyang dyowa sa kanya.

Hindi niya ugaling siya ang unang magtatanong o mangulit, pero if ever man, baka hindi na rin niya matanggihan dahil so far, okey na okey ang kanilang relasyon.

Malaking bagay nga sa kanya na nakikita niya ang closeness ni Paolo sa kanyang anak sa pagkadalaga, at masarap tingnan ang pagiging second father nito kay Aki.

Of course, hindi naman inaagawan ni Pao ng role si Paulo Avelino bilang tunay na ama nito, pero in his absence, pinuno talaga ni Pao ang kakulangan ni Pau bilang ama.

Anyway, natutuwa nga raw siya sa mga kasama niya sa seryeng The Cure na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras dahil pareho silang single parents.

So kapag nasa set sila ng pang-GMA telebabad na ito, isa sa napag-uusapan nila ay kung paano nila pinalalaki ang kanilang mga anak to the best of their ability.

Nakakatuwa rin nga raw na lahat sila ay produkto ng StarStruck na hindi nila akalaing mag-mini-reunion sila na meron nang kanya-kanyang dyunakis.

Ang saya-saya lang!