Una sa Balita

Joshua nasabik kay Julia

0 1,057

abante-paistaran-dondon-serminoSuper happy nga ni Joshua Garcia na magkasama na sila ni Julia Barretto nitong Valentine’s day. Ilang linggo nga ka­sing namasyal si Julia sa Me­xico, at noon pa man ay sinasabihan na siya ni Joshua na umuwi na dahil miss na miss na niya ang dalaga.

Pero nu’ng Feb. 14 nga, magkasama na ang dalawa sa mismong bahay ni Julia. At bongga, dahil lumalabas na parang triple date ang naganap, ha!

Makikita nga sina Joshua at Julia, na kasama rin sina Claudia at Dani pati ang mga boyfriend ng mga ito, at siyempre pati na si Marjorie Barretto.

Kitang-kita nga kung gaano kasabik si Joshua kay Julia dahil mahigpit nga ang yakap niya sa dalaga.

Heart niregaluhan ng Bicolano song ni Chiz

Sunod-sunod ang selebrasyon ni Heart Evangelista. Birthday nga niya nu’ng Feb. 14, at kahapon (Feb. 15) ay anibersaryo naman nila ni Sen. Chiz Escudero bilang mag-asawa.

Yes, apat na taon na nga ang relasyon nina Chiz at Heart, at sabi ng aktres, isang bonggang kanta na nakasulat sa salitang Bicol ang inihandog sa kanya ng mister niya.

“My husband had a song in bicolano made for me for our anniv,” sey ni Heart.

Heto nga ang koro ng kanta ni Chiz kay Heart na may titulong Heart Evangelista.

“Puso an pagngaran mo, (Heart) halaga nin bulawan ang anghel nailista (Evengelista) sa sakuyang mga palad. Maseserbing ilaw kun ako nadidikloman. Dakulang kaogmahan kun napupung-aw.”

Ang sweet, ‘di ba?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy